-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Agad na naaprubahan sa sangguniang panglungsod ang resolusyon sa pagdedeklara sa Agosto 16 bilang non-working holiday sa lungsod ng Legazpi.
Kaugnay ito nang pormal nang pag-uumpisa ng Ibalong Festival.
Ayon kay City Councilor Lilian Ramirez, proponent ng resolusyon, nilalayon nitong hikayatin ang mga pribadong institusyon, pampublikong mga establisyemento at national agencies sa lungsod na ideklarang non-working holiday ang nasabing araw.
Sa gayon, magkakaroom umano ng pagkakataon ang lahat ng empleyado at estudyante na makapag-enjoy ang mga aktibidad sa naturang festival.
Dagdag pa ni Ramirez na isa rin itong pamamaraan sa pagpapakita ng suporta at promotion sa pagdiriwang ng Ibalong Festival.