-- Advertisements --

Tinawag nina Jojo Nones at Dode Cruz na walang basehan ang kasong isinampa laban sa kanila ng actor na si Sandro Muhlach.

Ito ang naging lamang ng kanilang sworn affidavit na isinimute sa Department of Justice.

Nakasaad sa salaysay ng dalawa na walang basehan at imbento lamang umano ang akusasyon ng actor sa kanila.

Iginiit ng dalawa na walang ebedensiya na mayroong penetration o may ipinasok sa ari o bibig ng biktima.

Magugunitang inakusahan ng actor ang dalawa ng panghahalay na naganap noong Hulyo 21, 2024 sa isang hotel sa lungsod ng Pasay.