-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Wala ng dapat patunayan pa si Pinoy boxing champion Nonito Donaire Jr. matapos matalo sa unification fight kay Japanese boxer Naoya Inoue.

Ito ang pahayag ng ama na si Nonito Dodong Donaire Sr. ng makapanayam ng Bombo Radyo GenSan kung saan sinabi nitong paretiruhin na ang anak dahil sa posebling peligro na aabutin pa sa boksing.

Kagabi matapos ang laban kaagad kinumusta ni Dodong ang anak na tinugunan umano na tanggap ang pagkatalo sa laban sa binansagang The Monster ng bansang Japan.

Ayon sa boxing coach marami umano ang nakita nitong pagkakamali sa anak , una bistado ni Inoue ang pamatay suntok nito kayat umiilag habang hindi naman sumusuntok si Donaire hanggang tinamaan ng solid punch sa panga.

Sa round 1 nakita nito na gustong patumbahin ni Donaire Jr ang kalaban kayat walang binibitiwang suntok.

Dapat aniya umatras kaagad si Donaire matapos tamaan at dapat din na lumuhod habang binilangan ng referee para makapagpahinga o di kaya matapos tamaan kaagad yaposin ang kalaban para kukuha ng hangin .

Nalaman na plano umano ni Rachelle, ang asawa ni Nonito Jr na labanan nito si Paul Butler para makuha ang belt na hawak ng nasabing boxer.