Nakatakdang gawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Kampeon ng Wika 2021 ang beteranang aktres na si Nora Villamayor o mas kilala sa Nora Aunor sa industriya ng pelikula.
Ayon sa komisyon ang kanilang hakbang ay dahil sa hindi raw matatawarang ang ambag ni Ms. Aunor sa larangan ng pelikulang Pilipino na sumasalamin sa búhay ng mga mamamayang Pilipino.
Ang batikang aktres ay isa ring mang-aawit, prodyuser, at nakatanggap na ng maraming parangal dito sa bansa at sa international community.
Kung maalala kabilang sa maraming pelikula ni Aunor ay ang “Tatlong Taóng Walang Diyos”; “Minsa’y Isang Gamu-Gamo;” “Kaming Matatapang Ang Apog;” “Bakekang;” “Annie Batungbakal;” “Bona;” “Kastilyong Buhangin,” “Himala” at iba pa,
Magaganap ang pagpaparangal kay Aunor sa Nobyembre 9 ng taong kasalukuyan.