-- Advertisements --

Naihatid na sa huling hantungan ang national artist na si Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani.

Personal na tinanggap ng anak nitong si Ian de Leon ang watawat ng Pilipinas mula sa Armed Forces of the Philippines.

Bilang Alagad ng Pambansang Sining sa Pelikula at Broadcast Arts ay binigyan ng isang bayani at Departure Honors ang 71-anyos na aktress.

Bago ang paglibing ay isang Necrological Service ang ginanap sa Manila Metropolitan Theater sa Lungsod ng Maynila bago ito dalhin sa Libingan ng mga Bayani.

Dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at kapwa artista ang libing ng aktress.

Magugunitang nitong Abril 16 ng pumanaw ang actress sa isang pagamutan.