Inanunsiyo na ng Malacanang ang mga listahan ng mga bagong National Artist sa bansa.
Ayon kay National Commission for Culture and the Arts (NCCA) chairman Nick Lizaso, nanguna sa listahan ang beteranang actress na si Nora Aunor para sa pelikula, Fides Cuyugan Asensio para sa musika, Ricardo ‘Ricky’ Lee at Gemino Abad para sa pagsusulat at literature at Agnes Locsin para sa sayaw.
Kasama rin na nahirang ang mga pumanaw na sina Marilou Diaz-Abaya para sa pelikula, Tony Mabesa sa teatro at Salvacion Lim Higgins para sa fashion.
Ikinatuwa naman ng mga napili kung saan sinabi ni Ricky Lee na nagbunga ang kaniyang paghihirap noong nakipagsapalaran ito sa Maynila habang hindi naman makapaniwala si Asensio at ito ay napili.
Pinasalamatan ng beteranang singer na si Asensio ang Panginoon dahil sa napakinggan ang matagal na nitong ipinagdarasal.
Batay sa batas ng Pilipinas ang mga national artists ay tatanggap ng material at physical benefits tulad ng cash award, personal monthly stipend, yearly medical at hospitalisation benefits, life insurance, bibigyan ng lugar sa mga state functions, national commemoration ceremonies, habang ang ibang mga pumanaw ay nabigyan ng lugar din sa Libingan ng mga Bayani at ginawaran ng state honors at iba pang mga benepisyo.