-- Advertisements --
Nakatakdang muling gumawa ng pelikula ang beteranang aktres na si Nora Aunor.
Sinabi ng tinaguriang superstar sa local showbiz makakasama niya rito sina Philip Salvador at Michael de Mesa.
Magdidirehi sa bagong pelikula ang kilalang movie director na si Joel Lamangan.
Sinasabing magkahalong saya at kasabikan ang nararamdaman ng actress dahil sa matagal-tagal na rin itong hindi nakakagawa ng pelikula.