Naghahanda umano ang North Korea na magpadala pa ng masmaraming tropa nito sa Russia matapos maubos ang bilang nito sa Ukraine at Russia war.
Ayon yan sa naging pahayag ng South Korea, naghahanda rin umano ang North Korea na magsagawa ng mga test-fire ng kanilang intercontinental ballistic missisle hanggang sa umabot umano ito sa Estados Unidos kung saan nababatid ng ilang mga eksperto na malabong gumawa aniya si North Korean leader Kim Jong Un ng mga hakbang na magpapalala ng relasyon nito kay US President Donald Trump.
Ngunit nakikita rin umano ni Kim Jong Un na maslalo nitong mapapalakas ang nuclear program ng North Korea kung makikipag tulungan ito kay Russian President Vladimir Putin kaysa umano sa naging paguusap nila ni Trump noong 2018-2019 summit.
Matatandaan na isa ang North Korea sa nagbigay ng malaking suporta sa Russia kung saan nagpadala ito ng mga artillery at iba pang conventional weapons, kasama narito ang pagpapadala ng mga north korean soldier na aabot sa 12,000, kapalit umano ‘yan ng pagbibigay ng Russia ng mga makabagong kagamitan na maaring makapag develop ng nuclear weapon ng North Korea.
Samantala sinabi naman ng South Korea spy agency noong nakaraang linggo na tinatayang nasa 300 na sundalong North Korean ang nasawi at mahigit 2,700 naman ang nasugatan.
Taliwas noong unang bahagi ng Enero,matapos kumpirmahin ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na nasa 4,000 ang bilang ng mga nasawi o nasugatang North Korean soldier.
Habang ang pagtataya naman ng Estados Unidos ay mas mababa, na umanot lang ng 1,200 na mga North Korean soldier ang nasawi.