Naglunsad ang North Korea ng hinihinalang intermediate-range ballistic missile (IRBM) nitong Lunes, kasabay ng pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken sa Seoul, South Korea.
Ayon sa militar ng North Korea, inilunsad ang missile bandang tanghali, ilang sandali matapos magpulong sina Blinken at temporary President Choi Sang-mok, na humalili kay Pangulong Yoon Suk Yeol matapos ang kanyang suspensyon.
Tiniyak ni Blinken ang suporta ng Estados Unidos sa seguridad ng North Korea at nanawagan para sa matatag na defence posture laban sa mga banta ng Pyongyang.
Umabot sa higit 1,100 kilometer bago bumagsak sa dagat ang naturang missile.
Bilang tugon, sinabi ni Blinken ang kahalagahan ng kooperasyon sa pagitan ng Estados Unidos, South Korea, at Japan, lalo na sa larangan ng pagbabahagi ng real-time missile data at pagsasagawa ng joint military exercises.
Binanggit din ni Blinken ang nakakabahalang paglalim ng ugnayan sa pagitan ng North Korea at Russia, partikular na sa konteksto ng digmaan sa Ukraine.
Samantala binigyang halaga rin ni US President Joe Biden na palakasin ang pakikipagtulungan ng Estados Unidos, South Korea, at Japan, kahit pa may hidwaan ang South Korea at North Korea. Ngunit tanong ng nakakarami sa pagbabalik ni US elect President Donald Trump kung mapapanatili ba ang ginagawang pagsisikap ng mga ito na palakasin ang kanilang pwersa.