-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Asahan ang normal na sitwasyon ng mga biyahe ng mga Public Utility Vehicle (PUV) dito sa General Santos City dahil sa hindi paglahok ng mga transport groups sa tigil pasada nitong araw.

Tiniyak ni Retired Col.Renato Padua, Regional Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board(LTFRB) 12 na walang dapat ipag-alala ang publiko sa isang linggong tigil pasada na sisimulan nitong araw.

Ayon rito, hindi sasali dito ang mga transport group sa buong Soccsksargen Region.

Kinumpirma ng opisyal, malaking lugi sa mga tsuper ang paglahok sa transport strike.

Dagdag nito, suportado nila ang PUV Modernization program ng gobyerno.

Nauna ng nagpalabas ng press statement ang mga transport vehicle entities sa buong Region 12 kasama sa GenSan na walang transport groups sa rehiyon ang kasali sa transport strike.

Nagpaalala naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region XII na maaaring masuspende at makansela ang prangkisa ng traansport group na lalahok sa transport strike.