-- Advertisements --

Kinansela ni James Reid ang kaniyang nalalapit na concert sa North America.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi ng singer ang dahilan ng pagkansela ng kaniyang concert.

Sinabi nito na mayroong itong dinaranas na nakakaapekto sa kaniyang physical, emotional at mental health.

Aminado na ang paghahanda lamang sa nasabing concert ay malaking hamon sa physical, emotional at mental health.

Pinasalamatan naman nito ang kaniyang mga fans dahil sa pagtangkilik ng kaniyang tickets at tiniyak nito na agad siyang babalik kapag gumaling na pinagdadaanan niya.