-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang North Carolina.

Ayon sa US Geological Survey, nakita ang epicenter nito sa bayan ng Sparta, North Carolina.

May lalim ito na 3.7 kilometers.
Nagtala naman ng kauntng pinsala sa ilang gusali sa lugar.

Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ang mga residente ng ganoong kalakas na lindol matpos ang halos 100 taon.