CENTRAL MINDANAO- Nakakaranas ngayon ng pagbaha ang ilang bayan sa probinsya ng Cotabato at lalawigan ng Maguindanao.
Dulot ito ng malakas na buhos ng ulan kaya umapaw ang Pulangi River.
Inaasahan ang patuloy na pag ulan sa loob ng ilang araw dala ng Inter-Tropical Convergence Zone (iTCz) ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC-Cotabato) Emergency Operations Center (EOC) Manager, Eng’r Arnulfo Villaruz.
Sa North Cotabato ay binaha ang mga mababang barangay ng mga bayan ng Pikit,Kabacan at Carmen.
Sa Maguindanao lubog sa baha ang mga barangay na nasa gilid ng Pulangi river sa bayan ng Pagalungan at Datu Montawal.
Inaasahan na tataas pa ang lebel ng tubig dahil bumagsak sa mga kailugan sa North Cotabato at Maguindanao ang rumaragasang baha mula sa Bukidnon at Agusan River.
Nagpaalala ang Disaster ng Team ng magkatabing probinsya sa mga nakatira sa gilid ng ilog at bundok na mag-ingat sa baha at pagguho ng lupa.