CENTRAL MINDANAO- Nagtala ng isang recovery sa mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid 19) ang lalawigan batay sa pinaka tala ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) Cotabato.
Ngunit nakapagtala rin ng isang panibagong kaso batay sa pinakahuling datus ng DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region.
Ayon kay PIATF ICP Head Board Member Philbert Malaluan na ang ika 44 na pasyente ay isang 31 anyos na babae mula sa bayan ng Banisilan.
Isa itong Locally Stranded Individual (LSI) na bumaba sa Davao International Airport, naka uwi sa lalawigan noong Hulyo 16 na agad namang inindorso sa Banisilan LGU para sumailalim sa quarantine sa kanilang pasilidad.
Ngunit habang naka isolate, nakaranas ito ng lagnat at ubo noong Hulyo 20 dahilan upang e swab ito noong Hulyo 22.
Sa kasalukuyan ay asymptomatic na ang pasyente, nasa stable condition at patuloy na naka isolate sa kanilang LGU Isolation Facility.
Siniguro ni BM Malaluan na nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakahalubilo ng pasyente.