-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nagsitakbuhan patungo sa mga ligtas na lugar ang mga residente sa probinsya ng Cotabato nang muling bulabugin ng lindol dakong alas-7:44 ng Sabado ng gabi.
Ayon sa ulat ng Phivolcs Cotabato na tumama ang 4.9 magnitude na lindol sa bahagi ng Tulunan, North Cotabato.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 29 kilometro.
Ang pag-uga ng lupa ay naramdaman din sa ibang bayan sa probinsya ng Cotabato at Kidapawan City.
Ang pagyanig ay aftershock ng 6.3 magnitude na lindol noong nakalipas na Miyerkules ng gabi.
Sa ngayon ay umaabot na sa 553 na mga aftershocks ang naitala sa North Cotabato at mga karatig probinsya.