-- Advertisements --

Niyanig ngayong gabi ng Magnitude-6.3 na lindol ang bayan ng Tulunan sa North Cotabato.

Batay sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tectonic ang origin ng lindol na yumanig dakong alas-7:37 nitong gabi.

Naramdaman ang Intensity 7 sa Kidapawan City.

Intensity 5 sa Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani

Habang Intensity 4 sa Kiamba, Sarangani; T’Boli, South Cotabato; General Santos City.

Intensity 3 naman sa Cagayan de Oro City at Gingoog City, Misamis Oriental; Intensity 1 sa Dipolog City at Bislig City.

(Refresh for updates)