-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Kahit malayo na ang bagyong Bising ay nakakaranas parin nang pag-ulan ang probinsya ng Cotabarto dulot ng sama ng panahon.
Una ng naka-alerto ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMO-Cotabato) bago pa pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang Severe Tropical Storm “Surigae” at binigyan ito ng pangalan na Bagyong Bising.
Matatandaan na nagpalabas ng advisory sa bawat Local Government Unit ang PDRRMO para sa pagmonitor sa mga landslide and flashlood prone areas.
Noong nakalipas na linggo ay hinagupit ng pagbaha ang ilang bayan sa probinsya.
Ayon kay PRDDM Warning ang Operations Head Engineer Arnulfo Villaruz, mahalagang maging maingat at vigilante sa lahat ng pagkakataon.