CENTRAL MINDANAO-Nagpakalat ng Public Advisory ang Cotabato Police Provincial (CCPO) sa buong probinsya hinggil sa mga nagsulputan na animoy kabute na investment scam.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Bernard Tayong ang tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office na sinimulan na nila ang pagkabit ng public advisory.
Inamin ng opisyal sa ngayon ay hanggang sa paalala o panawagan lamang sila dahil wala naman silang natatanggap na reklamo.
Dagdag ni Tayong na wala rin silang namomonitor na mga pulis sa North Cotabato na sumasali sa mga pyramiding scheme.
Mahigpit ang paalala o direktiba ni Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na iwasan ang pagsali sa mga investment scam.
Mahaharap sa kasong administratibo o “disobedience†kung may mga pulis na mapatunayan na sumasali sa investment scheme.
Bukod sa mga tarpaulin na ikinakabit sa pampublikong lugar sa ibat-ibang bayan sa North Cotabato ay nagpakat din sila ng advisory sa social media.