-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tumaas pa ang moral ng mga pulis sa probinsya ng Cotabato nang itanghal itong “Best Police Provincial Office”sa buong bansa.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na isang team mula sa PNP General Headquarters sa Kampo Krame ang nagsagawa ng Field Evaluation and Validation sa kanilang tanggapan sa Brgy Amas Kidapawan City.

Itoy pinangunahan ni Police Brigadier General Sterling Raymund Blanco,chairman ng Field Evaluation and Validation team,kung saan nagsagawa ng pagsusuri at interview sa loob ng kampo.

Pinuri naman ni Blanco ang presentasyon ni Col Layugan sa lahat ng naging accomplishment ng CPPO na pasok mula May 1, 2018 hanggang April 30, 2019.

Mismong si Colonel Layugan ang tatanggap sa parangal sa Camp Crame ngayong darating na Agosto 9 kasabay ng 118TH Police Service Anniversary.