CENTRAL MINDANAO-Nagpaabot ng pagbati ang Department of the Interior ang Local Government (DILG) XII sa lahat ng Local Peace and Order Councils (LPOCs) ng Rehiyon na nakapasa sa Peace and Order Councils (POCs) Performance Audit para sa taong 2019-2021.
Ayon kay DILG Cotabato Provincial Program Manager Vita V. Gumahad, kabilang ang probinsya ng Cotabato, Kidapawan City at 17 munisipyo ng lalawigan sa mga nakapasa sa nasabing performance audit na isinagawa noong buwan ng Mayo ng Regional at Provincial Audit Teams.
Masaya naman si Cotabato Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza sa naging resulta at pinasalamatan ang mga opisyal, grupo, indibidwal at ahensyang naging bahagi ng nasabing tagumpay.
Umaasa ang ina ng lalawigan na patuloy na magkaisa ang mga opisyal ng probinsya kasama ang iba pang stakeholders sa pagkamit ng kaunlaran, pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa lalawigan.