-- Advertisements --

Naglabas ng abiso ang pamahalaang lungsod ng Quezon hinggil sa sisimulang North Edsa Busway Stride Project.

Ayon sa LGU QC. ito ay magsisimula ngayong araw at inaasahang magtatapos at tatagal ng 180 araw.

Sisimulan na rin ngayong araw ang demolisyon ng footbridge crossing sa may bahagi ng West Avenue/Paramount .

Kaugnay nito ay sinabi ng LGU na hindi muna magagamit ang foot bridge na nagdudugtong sa Cyber West at SM North EDSA .

Maaari namang gawing alternatibong daanan ng mga dumadaan dito ang Metropolitan Manila Development Authority footbridge. malapit sa lugar.

Posible rin ang pagbabago sa magay ng trapiko trapiko sakaling isara na ang mga kinakailanganing linya .