-- Advertisements --
Desidido si North Korean leader Kim Jong-Un na bumisita sa Russia.
Ito mismo ang kinumpirma ng North Korean leader subalit hindi pa nagbigay ng anumang detalye.
Ang nasabing pagbisita ni Kim ay siyang unang pagkakataon na magkikita sila ni Russian President Vladimir Putin.
Ang nasabing pagkikita ng dalawa ay kasunod ng hindi matagumpay na pangalawang beses na pagkikita nina Kim at US president Donald Trump.
Huling nagsagawa ng North Korea-Russia bilateral meeting ay noong 2011 kung saan pinangunahan ito noon ni President Dmitry Medvedev at ang ama ni Kim na si Kim Jong-Il.