-- Advertisements --

Inakusahan ng North Korea ang US na nagkakaroon ng magkasalungat na polisiya sa nuclear programme nito.

Kasunod ito sa naging pahayag ni US President Joe Biden na isang banta ang nuclear program ng North Korea.

Ayon sa foreign ministry office ng North Korea na hindi katanggap-tanggap ang nasabing pahayag ito ng US.

Nagpapakita aniya ito ng tila pag-giyera sa North Korea.

Magugunitang sa kaniyang 100 days sa opisina ay sinabi ni Biden na makikipag-ugnayan ito sa mga kaalyado nitong bansa para matugunan ang nasabing banta.