-- Advertisements --

Binalaan ng North Korea na huwag makialam sa nagaganap na alitan nila ng South Korea.

Ayon kay Kwon Jong Gun, director general ng Department of US Affairs, na dapat na manahimik na ang US kung ayaw nitong maapektuhan ang nalalapit nilang halalan.

Reaksyon ito ng North Korea sa pagkadismaya umano ng US ng tanggalin nila ang komunikasyon sa South Korea.

Magugunitang naging mahigpit ang relasyon ng US at South Korea kung saan mayroong 28,500 na sundalo ang US para protektahan ang Seoul.