-- Advertisements --
Binatikos ni North Korea Kim Jong-Un si Japanese Prime Minester Shinzo Abe.
Tinawag pa nito na isang kalaban at ‘idiot’ dahil sa pagkontra nito sa isinagawang testing ng North Korea ng kanilang “super-large multiple rocket launchers”.
Isinagawa ang test noong Oktubre 31 kung saan tinawag ng Japan na isang ballistic missiles na lumalabag sa sanctions ng United Nations.
Ang nasabing pagbatikos ng North Korea ay magkakaroon ng malaking epekto sa planong pagbisita ni Abe sa North Korea.
Nais kasi ni Abe na magtungo sa North Korea para resolbahin ang pagdukot sa mga Japanese citizen noong 2002.