-- Advertisements --
Tiniyak ni North Korean leader Kim Jong Un, na kaniyang dodoblehin ang trabaho para makagawa ng nuclear weapons na kayang labanan ang US ibang mga bansa.
Sa ipinakalat na larawan ng state media, makikita na isang uri ng intercontinental ballistic missiles na kayang umabot sa mainland US.
Sa talumpati nito kasabay ng 76th founding anniversary ng bansa ay sinabi nito na sila ay nahaharap sa banta.
Inakusahan pa nito ang US na pinapalawig nila ang puwersa sa Korean peninsula.
Dahil dito ay kanilang dinodoble ang mga ginagawang missiles para makasabay sa US.
Magugunitang noong Hulyo ay kinontra ng North Korea ang pirmahan ng US at South Korea ng defense guidelines.