-- Advertisements --
Kim Jong Un

Dumepensa ang North Korea sa ginawa nilang missile test na personal pa mismong sinaksihan ng kanilang lider na si Kim Jong Un.

Ayon sa foreign ministry ng bansa, bahagi ito ng regular military training at bilang pagpapakita kung gaano sila kahanda sa anumang atake sa kanila.

Hindi rin sila nababahala kung may natamaan sa kanilang ginawa o magdudulot ng takot sa mga katabi nilang bansa.

Nauna rito ikinabahala ni acting US Defense Secretary Patrick Shanahan ang ginawang missile at rocket launch ng North Korea.

Ito ang unang missile launch na isinagawa ng North Korea na ang huli ay noong Nobyembre 2017.

Magugunitang pansamantalang itinigil ng North Korea ang missile test mula ng nagkasundang mag-usap sina US President Donald Trump at Kim Jong un.