-- Advertisements --

Binalaan ng gobyerno ng North Korea ang kanilang mga mamamayan na manatili sa loob ng kanilang bahay dahil umano sa “yellow dust” mula sa China.

Pinangangambahan kasi nila na mayroong dalang coronavirus ang dilaw na alikabok.

Nagmistulang ghost town ang Pyongyang dahil sa takot ng mga tao na lumabas.

Itinanggi naman ng South Korea na may dalang coronavirus ang nasabing “yellow dust” mula sa China.