-- Advertisements --

Iniulat ng Korean Central News Agency na inamin ng North Korea na naging matagumpay ang kanilang test-fired new long-range cruise missiles.

Base sa report, naging matagumpay ang test-fired missiles ng Academy of Defense Science ng bansa noong Setyembre 11 at 12.

Ang mga weapons na ay nabuo umano sa loob ng dalawang taon.

Sa nasabing test-fired missiles, ipinakita nito na may kakayahan daw at maaasahan ito sa pagbantay sa seguridad ng estado laban sa kaaway na “Democratic People’s Republic of Korea”.

Binabantayan naman ngayon ng Amerika at South Korea ang launch claim ng North Korea.

Nauna nang sinabi ng South Korean Defense Ministry official na dalawang beses na nagsagawa ng missile tests ang North Korea ngayong taon.

Sinabi naman ng US military’s Indo-Pacific Command na alam nila ang report may kaugnayan sa missile launches mula sa North Korea kung kaya ay mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa kanilang mga allies at partners.