-- Advertisements --

Temporaryong isinara ng North Korea kanilang mga borders para sa mga turista.

Ang nasabing hakbang ay para hindi makapasok sa kanilang bansa ang isang dayuhan na taglay ang bagong uri ng coronavirus.

Nanggaling mismo sa Young Pioneer Tours ang nasabing impormasyon na ipinarating sa kanila ng gobyerno ng North Korea.

Ang nasabing kompaniya ay nakabase sa China na siyang nangangasiwa sa mga turista na gustong bumiyahe sa North Korea.

Magugunitang nagkaroon na ng outbreak sa China ang nasabing bagong uri ng corona virus na karamihan ay galing sa Wuhan, China.

Naghigpit na rin ang ibang mga bansa sa kanilang paliparan para hindi na makapasok ang nasabing virus.

Nasa mahigit 300 na ang kinapitan ng misteryosong virus at anim naman ang patay.