-- Advertisements --
Ibinunyag ng North Korea na matagumpay nilang pinalipad ang bagong hypersonic missile na tinawag na Hwasong-8.
Ayon sa North Korea state news outlet na KCNA na ang nasabing missile ay isa sa limang pinaka-importante na bagong weapons system na inilatag sa kanilang five-year military development plan.
Tinatawag din nila ito bilang isang “strategic weapon” na mayroong kapasidad na magdala ng nuclear.
Magugunitang ikinagulat ng South Korea ang ginawang pagpapalipad ng North Korea ng missile nitong Setyembre 28.