-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng North Korea ang pagdami ng bilang ng mga mamamayan nilang nais na pumasok sa pagkasundalo.
Kasunod ito sa naging akusasyon nila sa South Korea na nagpapakalat ng propaganda sa kanila.
Ayon sa North Korean Military na mayroong 1.4 milyon na mga kabataan na binubuo ng mga mag-aaral at youth league officials ang pumirma para makasali sa pagiging sundalo.
Itinuturing ng North Korea na kaya dumami ang nais na pumasok sa pagkasundalo ay dahil sa ginagawang pagbabanta umano ng South Korea, US at ilang kaalyado nito.
Mayroong batas ang North Korea kasi na dapat pumasok ang mga kalalakihan sa mandatory military service ng hanggang 10 taon.