-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng North Korea ang kanilang bagong mga “suicide drone”.

Personal na sinaksihan ni North Korea lider Kim Jong Un ang pag-testing ng nasabing drone habang pinapasabog ang target.

Malaki ang paniniwala ng mga eksperto na ang nasabing drone ay galing sa bansang Russia.

Sinabi ni Kim na mahalaga ang gumawa ng maraming drones para gamiting pangdepensa sa anumang pag-atake.