-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng North Korea na ang kanilang bagong intermediate-range ballistic missile na may hypersonic warhead ay kayang-kayang tapatan ang anumang mananakop sa kanila sa Pacific region.

Kasunod ito sa ginawang pagpapakawala ng nasabing missiles nitong araw ng Lunes.

Ang nasabing missile launch ay isinabay pa habang nasa Seoul si US Secretary of State Antony Blinken na nakikipagpulong sa mga lider ng South Korea.

Ang hypersonic weapons ay mas mahirap na makita at pabagsakin kung saan kaya nilang lumakbay ng limang beses na mas mabilis pa sa tunog.

Ipinagyayabang pa ng North Korea na lumipad ng 12 beses ang bilis pa ng tunog kanilang missile na may taas na 1,500 kilometers bago tuluyang bumagsak sa karagatan.