-- Advertisements --
Ipinakita sa publiko ng North Korea sa unang pagkakataon ang ginagawa nilang nuclear-powered submarine.
Personal na binisita ni North Korean President Kim Jong-un ang lugar kung saan ginagawa ang nasabing submarine.
Ang nasabing submarine ay isang maituturing na banta sa US at South Korea.
Sinasabing isang 7,000 toneladang uri ng submarine ang ginagawa na may kakayahang magdala ng hanggang 10 missiles.
Ang nasabing nuclear-powered submarine ay isa sa mga pangunahing pangarap ni Kim na nais niyang magawa ng bansa noon pang 2021.