Ipinakita sa unang pagkakataon ng North Korea ang kanilang uranium enrichment facility na gumagawa ng mga sangkap para sa nuclear weapons.
Makikita sa larawan si Kim Jong Un na nagsasagawa ng inspections sa nasabing lugar.
Ayon sa national news channel ng North Korea na Korean Central News Agency (KCNA) , nanawagan si Kim Jong Un na pataasin ang produksyon ng kanilang uranium.
Mariing kinondina ito ng South Korea ang nasabing plano na ito ng North Korea na pataasin ang kanlang produksyon.
Pagtitiyak ng South Korea na kanilang paghahandaan ang anumang hakbang na ito ng North Korea kasama nila ang kanilang kaalyadong bansa na US.
Base sa estimate ng mga otoridad na mayroong 50 mga nuclear weapons ang North Korea at may kakayahan ito na makagawa ng panibagong 40.