-- Advertisements --
Nagpasya ang North Korea na kanilang isasara ang lahat ng mga kalsada at riles na dumudugtong sa South Korea.
Ang hakbang ay kasunod ng pahayag ni North Korea lider Kim Jong Un na kanilang tatangalin ang ugnayan nila ng South Korea.
Nanguna ang Korean People’s Army (KPA) na nagsagawa ng pagharang sa mga border nila ng South Korea.
Una ng inihayag ng South Korean military na mula pa noong Enero ay pinagtibay pa ng North Korea ang kanilang border defenses sa pamamagitan ng paglalagay ng mga land mines, pagtatayo ng anti-tank traps at pagtanggal ng mga railway infrastructure.