Itinanggi ng North Korea ang paratang ng United States na nagsusupply sila ng rockets at missiles sa Wagner Group, ang private military group ng Russia.
Kaugnay nito, nagpakita naman ang US intelligence ng mga larawan na nagpapatunay na may mga sasakyan ang Russia na pumasok sa North Korea upang magpick-up ng rockets at missiles, ito ay kinumpirma ni National Security spokesman John Kirby.
Samantala, nagpahayag ang isang North Korean official na hahantong sa hindi magandang resulta ang paratang ng United States at kung ipipilit nila ang pagpapalaganap ng “self-made rumour”.
“Trying to tarnish the image of (North Korea) by fabricating a non-existent thing is a grave provocation that can never be allowed and that cannot but trigger its reaction,” sinabi ng director general ng Department of US Affairs na si Kwon Jong Gun.
Matatandaan na idineklara ng Washington ang Wagner Group bilang “transnational criminal organization” dahil sa mga dealings nito ng mga armas sa Pyongyang na isang paglabag sa UN Security Council resolutions.
Nitong linggo nga lang ay nangako si United States President Joe Biden ng 31 Abram tanks upang tulungan ang Kyiv laban sa Moscow.