-- Advertisements --

Kinondena rin ng North Korea ang bagong security agreeement sa pagitan ng US, UK at Australia.

Inilarawa ng Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) Foreign Ministry official na hindi katanggap-tanggap at lubhang mapanganib ang naturang hakbang na maaaring makaapekto sa strategic balance sa Asia-Pacific region.

Nagbabala pa ito na posibleng magpalala ang naturang security agreement sa nuclear arms race.

Isa kasi sa pakay ng naturang Aukus agreement ang pagbibigay ng Amerika at UK sa Australia ng teknolohiya na nuclear-powered submarines.

Nangangahulugan umano ito na ang Australia ay ang magiging pangpitong nasyon sa buong mundo na mag-o-operate ng nuclear-powered submarines.

Ang naturang Aukust deal o trilateral security agreement sa pagitan ng Austrlia, UK at US ay isang hakbang laban sa lumalawak na impluwensiya ng China sa pinag-aagawang karagatan malapit sa West Philippine Sea.

Subalit maging ang China ay mariing binatikos din ang naturang kasunduan kung saan sinabi ni Beijing’s foreign ministry spokesman Zhao Lijian na lubhang nakakasira sa kapayapaan sa Asi-pacific region ang naturang pag-aalyansa ng tatlong bansa.