-- Advertisements --
Kinumpirma na ng North Korea ang kanilang pagpapalipad ng bagong ballistic missile mula sa submarine.
Ang pag-amin ay makalipas ang isang araw ng ibunyag ng South Korea at Japan ang pagpapalipad ng North Korea ng missiles.
Kaparehas din ito ng bagong submarine launched ballistic missile (SLBM) na pinalipad ng North Korea noong 2016.
Hindi naman iniulat ng state news ng North Korea kung dumalo ang kanilang lider na si Kim Jong Un sa naturang test launch.