-- Advertisements --

Kinumpirma na ngayon ng North Korea na nagpadala sila ng mga sundalo para tulungan ang Russia sa paglaban sa Ukraine.

Ang nasabing kautusan ay galing mismo kay North Korean lider Kim Jong Un.

Una ng pinuri ni Russian Chief of Staff Valery Gerasimov ang kabayanihan ng mga sundalo ng North Korea.

Magugunitang ibinunyag ng Ukraine na mayroong sundalo ang North Korea na kinuha ng Russia kung saan hindi ito bababa sa 11,000 na mga sundalo.