-- Advertisements --

Ibinunyag ng administrasyon ni US President Joe Biden na sinubukan nilang tawagan si North Korean leader Kim Jong Un pero hindi sila pinansin nito.

Ayon sa isang senior official ng White House, na isinagawa nila ang pagtawag para mabawasan ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Hindi naman na idinetalye ang nasabing pakikipag-ugnayan nila sa North Korea.

Umaasa pa rin ang US na mapapansin sila ng North Korea para masimulan ang pag-uusap.