-- Advertisements --
Kim inspect submarine
Kim Jong Un

Nagsagawa ng inspeksyon si North Korean lider Kim Jong Un sa bagong gawang submarine ng bansa.

Sa inilabas na larawn ng state media ng North Korea na KCNA, makikita na katabi ni Kim ang isang malaking submarine kasama ang ilang opisyal nito.

Ang nasabing hakbang ay nagpapahiwatig ng paghahanda ng North Korea ng paggawa ng submarine-launched ballistic missile (SLBM) program.

Hindi na inihayag kung anong uri ng submarine ito at kung saan din ito nakalagay.

Inihayag nito na ilalagay niya ang nasabing submarine sa kanilang karagatan bilang depensa sa mga nais na manakop sa kanila.