-- Advertisements --

Nais ni North Korean lider Kim Jong Un na palakasin pa lalo ang kanilang nuclear power.

Kim Jong Un
Kim Jong Un

Isinagawa nito ang kautusan sa pakikipagpulong niya sa mga military leaders ng kanilang bansa.

Ito ang unang public appearance ng North Korean lider matapos ang usapin na pagkakamatay nito dahil sa kalusugan.

Ayon sa State news agency na KCNA, nanguna si Kim sa pagpupulong ng Worker’s Party of Korea Central Military Commission (CMC).

Sa nasabing pagpupulong ay pinrimahan niya ang pitong kautusan na isa ay patungkol sa re-organization ng military at pagpapaganda ng responsibility at roles of major military.