Muli ng magbubukas ang North Korea para sa mga dayuhang turista simula sa Disyembre ng kasalukuyang taon matapos ang halos 5 taon na pagsasara mula noong 2020 para protektahan ang kanilang bansa mula sa COVID-19 pandemic.
Batay sa Koryo Tours na nakabase sa China, nakatanggap sila ng kumpirmasyon mula sa kanilang local partner na opisyal ng bubuksan ang turismo sa Samjiyon at posibleng sa nalalabing parte pa ng NoKor sa Disyembre.
Ang Samjiyon ay malapit sa mabundok na northern border ng NoKor sa China. Isa itong gateway city papuntang Mt. Paektu kung saan umano isinilang ang yumaong Supreme leader na si King Jong IL, ama ng kasalukuyang NoKor leader na si Kim Jong Un.
Una rito, bago ang pandemiya limitado na ang turismo sa NoKor kung saan batay sa mga tour company, 5,000 western tourists ang bumisita kada taon. Nasa 20% dito ay mga turista mula sa Amerika.