Opisyal na ngang ibinalik muli ng North Korea ang lahat ng communication lines nito sa South Korea.
Kinumpirma ng Unification Ministry ng Seoul ngayong araw kung saan sa unang pagkakataon nagpalitan ng tawag ang mga opisyal ng dalawang bansa makalipas ang ilang buwan mula noong Agosto.
Umaasa ang South Korean government na magsisilbing pundasyon ito para muling mapanumbalik ang samahan ng dalawang bansa.
Inihayag naman ni North Korean leader Kim Jong Un ang intensiyon ng pagpapanumbalik ng cross-border hotline ng dalawang bansa sa layong magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Korean Peninsula.
Ang naturang hakbang ng Pyongyang ay nakadepende pa rin sa pakikitungo ng South Korean authorities.
Bago ito, patuloy ang Pyongyang sa pag-develop ng mga bagong nuclear weapons sa nakalipas na linggo para sa self-defence ng bansa habang ang South Korea naman ay naglunsad din ng kauna-uanahang submarine ballistic missile na sinasabing pandepensa naman ng SK laban sa provocation ng North Korea.