-- Advertisements --

Ipinakita ni North Korean leader Kim Jong Un ang kanilang mga armas militar.

Ipinarada nila ang mga kagamitan, sasakyan at maging ang intercontinental ballistic missiles sa Pyongyang.

Kasama ng North Korean leader ang ikalawang anak nito na si Kim Ju-ae na may edad 10.

Itinuturing ng mga taga-North Korea na nakatakdang magmamana sa puwesto ng ama nito ang 10-anyos na anak dahil sa limang beses na itong nakasama sa mga kaganapan sa publiko.

Unang lumabas ang anak nito noong Nobyembre ng ilunsad nila ang intercontinental ballistic missile (ICBM).

Magugunitang noong nakaraang taon ay makailang beses ng nagpalipad ang North Korea ng kanilang ballistic missiles na ikinakabahala ng South Korea at ilang mga karatig na bansa gaya ng Japan at maging ang US.