Nagpakawala ang Pyongyang, capital ng North Korea ng dalawang magkasunod na ballistic missile ngayong araw na patungo sa Sea of Japan o mas kilala bilang East Sea.
Ayon sa South Korea’s Joint Chiefs of Staff ito na ang ikalawang pagkakataon ng pagsasagawa ng weapon test ng North Korea kasunod ng launching ng kanilang bagong long-range cruise missile.
Ayon naman sa Japan Defense Ministry, ang target ng North korean ballistic missile test ay pinaniniwalaang bumagsak sa labas ng exclusive economic zone ng bansa.
Mariin kinondena at tinawag na “outrageous” ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga ang missile launch ng North Korea na banta aniya sa kapayapaan at seguridad ng kanilang bansa.
Samantala, ikinokonsidera naman ng United Nation Security Council na mas mapanganib ang ballistic missile dahil kaya nitong makapag-load ng mas powerful na nuclear warheads, mas malayo ang range at mas mabilis kumpara sa cruise missile.