-- Advertisements --
Muling nagpakawala ng dalawang projectile missiles ang North Korea.
Ayon ksa South Korean Army, na isang uri ng super-large caliber multiple rocket launcher ang pinakawalan ng North Korea.
Sinabi ni South Korea Major General Jeong Dong-jin ng South Korean Joint Chief of Staff, nakakadismaya ang ginawang ito ng North Korea dahil sinira nila ang usaping pangkapayapaan sa Korean peninsula.
Bagamat hindi kinumpirma ng Japan na doon bumagsak ang missile ay nagpahayag naman ng pangamba si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.