-- Advertisements --

Nagpalipad muli ng dalawang cruise missles ang North Korea.

Ayon sa Seoul, ito na ang pang limang missile launch na isinagawa ng North Korea ngayong taon.

Huling nagsagawa ng maraming mga missile test ang North Korea ay noong 2019 matapos ang bigong negosasyon nina North Korean lider Kim Jong-Un at dating US President Donald Trump.

Dagdag pa ng South Korea na may mga panibagong missile ang pinakawalan ng North Korea kabilang na ang hypersonic missiles.

Hindi kasi pinagbabawal ng United Nations ang pagpapalipad ng cruise missiles.

Tiniyak naman ng mga opisyal ng South Korea na kapag iniharap sa kanila ang nasabing missiles ay walang magiging problema dahil kaya nila itong harangin.